Electrolysis Technology - Generating Hypochlorous Acid (HOCl) 

Invention of Electrolysis 

01Invention of Electrolysis 

Ang electrolysis ay ang pagdaloy ng kuryente sa ionic na solusyon. Una itong ipinaliwanag ni Michael Faraday noong 1830s 

Membrane Electrolysis 

02Membrane Electrolysis 

Ang membrane electrolysis ay bumubuo ng acidic na HOCl at alkaline na NaOH mula sa solusyon bg NaCl. 

Single Cell Electrolysis 

03Single Cell Electrolysis 

Ang single cell technology ay binuo para gumawa ng stable solusyon ng HOCl sa optimal na pH na walang alkaline na NaOH. 

Stable Hypochlorous Acid 

Ang pinakamalaking balakid ay ang paghahanap ng paraan ng pagbuo ng hypochlorous acid sa malapit sa neutral na pH imbis na sa chlorine gas o hypochlorite at buuin ito aa stable form. Ang hypochlorous acid ay meta-stable molecule. Gusto nitong bumalik sa salt water o Pumunta sa hypochlorite. 

Generating Stable Hypochlorous Acid 

Membrane Cell Technology 

Ang electrolysis cell ay may dalawang compartments na nakahiwalay sa pamamagitan ng membrane, ang anode compartment at ang cathode compartment. Ang membrane ay gawa sa polymer at hinahayaan makapasok ang positive ions lamang papuntang cathode compartment. Ang sodium chloride solution ay pinapasok papuntamh anode compartment. Ang positively charged sodium ions ay dumadaloy sa membrane papuntang cathode pero ang negatively charged ions ay hindi. 

Dalawang solusyon ang nabubuo, ang anolyte at catholyte. Sa anode side, isang solusyon ng hypochlorous acid ang nabubuo at ito ay acidic at may ORP>800 mV. Sa cathode na side, isang solusyon ng NaOH ang nabubuo at ito ay alkaline na may ORP<-800. Walang solusyon ang stable. Parehong ang anolyte at catholyte ay naghahanap na bumalik sa equilibrium. Ang dalawang solusyon ay nawawalan ng ORP. 

Single Cell Technology 

Ang single cell electrolysis ay bumubuo ng isang solusyon, ang anolyte ng hypochlorous acid. Ang electrolysis cells ay may single cell compartment na naglalaman ng cathod at anode at ginawa para bumuo ng single solution na may ORP > 800. Ang paggamit ng acidified brine, ang neutral to acidic free chlorine ay nabubuo at nadodomina ng hypochlorous acid. Ang HOCl solution ay nagiging stable at ang HOCl molecule ay na dedeactivate lamang kapag naexpose ito sa organic surface o oxygen sa hangin. 

Healthcare 

Ang hypochlorous acid ay ginagawa ng white blood cells sa ating dugo at prinoprotektahan tayo mula sa mga microbial pathogens. Kapag ang mga microbial pathogen ay magtatangkang pasulin ang sugat, ang white blood cells ang unang umaaksyon at sinisira ang bacteria at ini expose ito sa pamatay mikrobyo na HOCl. Dahil ang HOCl ay hindi nakakairita at banayad sa balat, maaari itong gamitin sa paggamot ng sugat. Ito ay pwede ring pumalit sa mga panlinis sa mga healthcare facilities. Ang pag alis ng mga delikadong kemikal ay hindi lamang ang tamang paraan kundi ito ay nagbibigay din ng mas ligtas na kapaligiran sa mga bata at matatanda. 

Healthcare 

Kaligtasan ng pagkain 

Madami sa mga pananaliksik na naisagawa tungkol sa praktikal na aplikasyon ng hypochlorous acid ay tungkol sa kaligtasan ng pagkain. Dahil ang Food Safety Modernization Act (FSMA) ay naisabatas noong 2011, ang focus ng food safety ay napunta mula aa pagsagot hanggang sa contamination hanggang sa pagpigil nito. Wala na sigurong panlinis ng pagkain na sinuri at mas naintindihan kundi ang hypochlorous acid. Ang mga pagsusuri ay naglalahad na ang hypochlorous acid ay ligtas at mabisa sa pagsiguro ng microbial counts ay napapanatiling mababa sa infectious levels sa pagkain at mga lagayan nito. 

Kaligtasan ng pagkain