Hypochlorous Acid

Ano ang HOCl?  

Quick Facts 

  • Ang HOCl ay scientific formula para sa hypochlorous acid, isang mahinang asido katulad ng sa mga maasim na juice. 
  • Ang HOCl ay natural na ginagawa ng white blood cells ng mga mammals para sa paggamot at pagprotekta. 
  • HOCl ay isang makapangyarihang oxidant na mabisa sa pagpatay ng bakterya, fungi at viruses. 
  • Ang pagbuo ng HOCl gamit ang pagdaloy ng kuryente, sa solusyon ng tubig-asin ay nadiskubre noong 1970s. 
  • Ang HOCl ay ginagamit ngayon sa pangkalusugan, kaligtasan ng pagkain, pagproseso ng tubig, at sa kung ano pang panglinis. 
  • Paano ginagawa ang HOCl 

    Kasaysayan ng Electrolysis 

  • Sinulat ni Michael Faraday ang mga batas sa electrolysis at pwede itong gamitin noong 1870s. 
  • Ang pagbuo ng HOCl mula sa electrochemical activation (ECA) ng tubig-asin ay nasimulan noong 1970s. 
  • Ang mga naunang teknolohiya ng ECA ay gumagamit ng membrane para piliting makapasok ang tubig-asin sa dalawang solusyon ng HOCl at NaOH. 
  • Noong 1980s, nabuo ang single stream system na bumubuo ng isang solusyon ng HOCl at wala nang ibang produkto. 
  • Sa ngayon, ang mga single stream systems ay binabago para tumagal pa at bumuo ng mas stable na solusyon. 
  • Bakit mas mabisa sa pagpatay ng mikrobyo ang HOCl? 

    Hypochlorous Acid (HOCl) vs. Sodium Hypochlorite (Chlorine Bleach) 

    Ang hypochlorite ion ay nagdadala mg negative electrical charge, samantalang ang hypochlorous acid ay hindi nagdadala ng electrical charge. Ang hypochlorous acid madaling kumilos, at mag ooxidize ng bacteria sa segundo lamang samantalang ang hypochlorite ion ay kumakailangan ng halos kalahating oras para gawin ang parehos na gawain. Ang mga mikrobyo ay nagdadala ng negative electrical charge na nagreresulta sa pag iwas ng negatively charged na hypochlorite ion sa lugat ng ibang mikrobyo. Na nagpapabawas ng kabisaan ng hypochlorite ion sa pagpatay ng dumi, Ang ratio ng dalawang compounds ang basehan ng relative pH ng tubig. Ang mga water treatment specialists ay maaaring magbago ng pH level upang dumami ang hypochlorous acid at mas gumana ito sa pagpatay ng bakterya. Ang pagkulang ng electrical charge ng hypochlorous acidang nagpapabisa ng pagpasok nito sa barrier na nagpoprotekta sa mikrobyo. 

    Mga gamit sa bahay ng Hypochlorous acid 

      Home Electrolysis System 
    May mga na develop na iba’t ibang uri ng home system na nakakapagbigay ng stable hypochlorous acid gamit ang asin at tubig. Minsan idinagdag ang suka para bumaba ang pH at hayaan ang solusyon ng free chlorine na magkaroon ng mas maraming hypochlorous acid molecule. Sa pagpili ng pangunahing sistema, importanteng kadahilanan na ikinokonsidera ay ang kalidad ng electrolysis cell. Ang mga matataas na kalidad na sistema ay maaaring mahal pero siguradong mas tatagal dahil sa kalidad ng mga alloy na ginamit sa paggawa ng cells. 

      Ano ang mga benepisyo? 
    Ang hypochlorous acid, hindi katulad ng chlorine bleach, ay siguradong ligtas at hindi nakakairita. Kung ito ay mapupunta sa balat o mata, hindi ito nakakasunog. Kahit na ito ay aksidenteng nalulon, hindi nakakapinsala ang hypochlorous acid. Oo, ito ay 70-80 times mas epektibo sa pagpatay ng mikrobyo kumpara sa chlorine bleach. 

      Saan ito pwedeng gamitin? 
    Sa mga bahay, hypochlorous acid ay magagamit kahit saang panlinis.  Isang magandang halimbawa ay sa kusina, kmbis na banlawan ang mga gulay sa tubig, pwedeng gamitin ang hypochlorous acid. O para sa mga personal na gamit tulad ng sipilyo at pang-ahit, ang hypochlorous acid ay ligtas gamitin. Kung gusto mong maglinis ng mga damit nang hindi it nasisira, hypochlorous acid ang sagot. 

    Kahit na ang hypochlorous acid ay hindi nagdadala ng pagputi o pag iba ng kulay, ang ibang mababang kalidad na pangkulay ay nasisira kapag nahayaang malagyan ng hypochlorous acid.

    Mga komersyal na gamit ng HOCl 

      Membrane cell electrolysis  
    Ang teknolohiya sa likod ng paggawa ng hypochlorous acid ay umunlad sa loob ng 20 taon. Ang kalakaran ay pinangungunahan ng membrane cell electrolysis na gumagamit ng high pressure para piliting makapasok ang tubig-asin sa dalawang magkaibang streams, ito ay ang acidic stream at alkaline stream. Ang acidic na stream ay mayroong hypochlorous acid, anolyte o oxidizing agent at ang alkaline stream ay binubuo ng sodium hydroxide, ang catholyte. Ang kalamangan ng ganitong sistema ay dalawang solusyon na mapapakinabangan ang nabubuo: sanitizer at degreaser. Ang kahinaan ng ganitong sistema ay ang mga sumusunod: mahal, kumakailangan ng high maintenance, at bumubuo ng hindi stable na solusyon kaya nawawala an oxidation-reduction potential sa maliit na oras. 

      Single Cell Electrolysis 
    Sa pag-unlad ng single cell electrolysis, maraming mga balakid ang nalagpasan. Ang single cell electrolysis ay hindi gumagamit ng mataas na pressure sa membrane kaya maliit o wala itong maintenance na kinakailangan. At dahil hindi pinipilit ng single cell electrolysis ang tubig-asin sa dalawang stream ng magkabilang oxidation-reduction potential at magkaibang pH. Nabubuo ang mas stable na solusyon, ang solusyon na hindi nagtatangkang mag equilibrium. Ang single stem ay bumubuo ng isang solusyon, ito ay anolyte na may pH ng 5-7. Ang pH range na ito ay ang pinakamainam sa hypochlorous acid para maging stable at sa pagiging epektibo nito bilang panlinis. 

    Ang stainless steel ay maaaring ma corrode kung ito ay nakalagay aa mataas na concentration ng hypochlorous acid (>200ppm) sa mahabang oras.

    Kaligtasan ng pagkain 

    Halos lahat ng pagsusuri sa paggamit ng hypochlorous acid ay ginawa sa larangan ng kaligtasan ng pagkain.  Nang maisabatas ang Food Safety Modernization Act (FSMA) noong 2011, nagbago na ang pokus ng kaligtasan ng pagkain mula sa pagtugon sa kontaminasyon hanggang sa pagtigil nito. Wala na sigurong mas sinuri at ma naiintindihang food sanitizer sa hypochlorous acid. Ang mga pananaliksik ay nagpapakita na ang hypochlorous acid ay mabisa sa pagsisigurado na ang microbial counts ay napanatili sa mababang konsentrasyon.  

      Surface sanitation 

      Hypochlorous Acid vs. Quaternary Ammonium (Quats) 
    May mga kalamangan ang paggamit ng hypochlorous acid sa paglinis kumpara sa quats dahil ang quats ay hindi ligtas gamitin sa pagkain. Bago maglinis gamit ang Quats, dapat munang alisin ang pagkain sa paligid. Hindi na ito kailangan kapag hypochlorous acid ang ginagamit. Ang hypochlorous acid ay maaaring gamitin sa buong ara kahit pa may pagkain sa paligid. 

      Direct food sanitation 

      Hypochlorous acid vs ozone  
    Ang hypochlorous acid ay may kalamangan kaysa ozone. Ang ozone ay isang gas at hindi stable sa solution kaya hindi ito magagamit sa paglinis ng contact surfaces. Samantalang ang ozone ay maari ring gamitin sa paglinis ng pagkain pero kailangan rin itong i regenerate dahil patuloy itong lumalabas sa solusyon.  Dahil ang ozone ay nakakairita sa baga at respiratory tracts, nalilimita ang concentration na maaring magamit sa ozone.  Dahil dito, nalilimita ang oxidation potential na makukuha para mapatay ang mga mikrobyo.  Ang hypochlorous acid ay hindi nakakairita at isang stable na solusyon. Ang hypochlorous acid ay maaaring gamitin na may mataas na konsentrasyon (60ppm) para sa paglinis ng pagkain at hindi na kailangang banlawan. 

    Ang FDA Food Contact Notification 1811 ay nagsasabing pwedeng gamitin ang hypochlorous acid sa mga hilaw at mga naproprosesong prutas at gulay, isda at lamang dagat, karne, manok, at itlog hanggang 60ppm. Sanitizing Leafy Greens