Tungkol sa Hypochlorous Acid

Maari ring gumawa ng hypocholrous acid sa pamamagitan ng electrolysis. Ang electrolysis ay paraan ng paggamit ng kuryente para magbuhat ng kemikal reaksyon. Magbubunga ng solusyon ng free cholrine ang mga specifically engineered electrolysis cells sa pamamagitan ng pagdaloy ng kuryente sa asin at tubig. Nabubuo sa anode ang mga oxidants na hypochlorous acid (HOCl) at hypochlorite (OCl-). Kung ang pH ay acidic or neutral, ang free chlorine solusyon ay madodomina ng hypochlorous acid.
Best Hypochlorous Acid (HOCL) Generators

Make high quality hypochlorous acid in the home or office.
$159.99 + Free Shipping

Make hypochlorous acid and spray with an electrostatic cold fogger.
$309.99 + Free Shipping
Bagong Teknolohiya at Pananaliksik
Ang paggamit ng chlorine para sa pagdidisimpekta ay sinaliksik sa halos isandaang taon. Hindi matutulang katotohanan na ang hypochlorous acid ay mas mabisa sa pagdidisimpekta kaysa sa sodium chlorite (chlorine bleach). Isa sa pinakamalawakang paggamit ng chlorine ay White's Handbook of Chlorination. Ang aklat na ito ay nagbibigay nga komprehensibong pagtalakay sa kimika at pagiging epektibo ng chlorine at iba pang disinfectants,
Ang hamon ay ang paggawa ng sistema sa paggawa ng solusyon ng free chlorine na nadodomina ng molecules ng hypochlorous acid kaysa sa sodium hypochlorite. Ang pag-unlad nga electrolysis cells sa pagbuo ng electrolyzed water ay naging malaking tagumpay noong 1970's. Mula noon, napapabuti ang paggawa ng electrolysis cells na nakakagawa ng solusyon ng free chlorine na may 99% hypochlorous acid at estable.
Isa sa mga pinakabagong dinadiskobre ay ang pagbuo ng single cell technology para palitan ang membrane cell technology para payagan ang produksyon nga isang stream ng solusyon na malapit sa neutral na pH. Noon, ang teknolohiya na ginagamit ay membranes at mataas na presyur na bumubuo ng dalawang stream, unstable anolyte ng hypochlorous acid at unstable catholyte ng sodium hydroxide. Sa pagdiskobre nga single cell technology, stable na solusyon ng anolyte ang nabubuo na may 99% stable hypochlorous acid.
May tatlumpung taon na pananaliksik na ang mayroon sa paggamit ng hypochlorous acid at may mga bagong pananaliksik ang nabubuo kada araw. Ang mga bagong pananaliksik ay nakaayon sa paggamit ng hypochlorous acid sa paglinis ng pagkain at mga pasilidad nga pagproproseso ng pagkain. May mga pananaliksik rin na ginagawa sa mga aplikasyon nito sa manukan, pagproseso ng tubig, disinpeksyon, at pangangalaga ng kalusugan gaya ng paggamot ng sugat at sterilization ng mga gamit.
Maghanap sa 300 na naipublish na mga pananaliksik sa mga gamit ng hypochlorous acid.
Database ng mga pananaliksikKaligtasan sa mata at balat
Ang hypochlorous acid ay hindi nakakairita ng mata at balat. Hindi ito nakakapinsala kahit na ito ay nakapasok sa ating katawan. Dahil hindi ito nakakapinsala, ideyal ito sa direktang paglinis ng pagkain at paglinis ng lagayan ng pagkain. Ideyal din ito sa pangangalaga ng kalusugan lalo na sa paglinis ng sugat, eye drops, at pagdidisimpekta ng mga kwarto ng pasyente at pwedeng palitan ang bleach at quarternary ammonium (quats).

Hindi nakakalason, Hindi nakakapinsala
Ang mga sanitation chemicals na ibinabahagi na puro ay mga lason at maaaring makapinsala. Nakakairita pag napunta sa balat at ang paglanghap ng singaw nito. Ang mga panganib na ito ay hindi umiiral sa hypochlorous aci. Ang electrolyzed water system na bumubuo ng hypochlorous acid mula sa asin, tubig at kuryente lamang. Hindi na kailangan ang mga gamit pangproteksyon sa katawan.

Pano pinapatay nga HOCl ang mga mikrobyo?
Ang mga disinfectants at mikrobyo ay nag-uugnayan na parang magnets. Kung pagsasamahin ang dalawang negatively charged magnets, itataboy nila ang isat isa. Ang bakterya at hypochlorite ay puro negative kaya kikilos sila na parang magnet na nagtataboy sa isa't isa. Ang hypochlorous acid ay neutrally charged at hindi itataboy ng bakterya. Mabilis ang pagtagos nito sa bakterya at pinapatay sa tulong ng malakas na oxidation potential nito.
Bakit mahlaga ang pH?
Ang free available chlorine (FAC) molecule ay hindi nalalakip. May tatlong uri ng free available chlorine: chlorine gas, hypochlorous acid at hypochlorite. Kapag ang temperatura ay 25 degree Celsius at ang pH ay mas mababa sa 3, ang free chlorine ay lalabas na chlorine gas. Kapag ang pH ay mas mataas sa 7.5, halos 50% ay magiging hypochlorite at tataas ang hypochlorite habang inaabot ang pH 14. Sa pagitan ng pH 3 at pH 7.5, ang free chlorine solusyon at madodomina ng hypochlorous acid.

Mga kalamangan ng hypochlorous acid

Malakas na pamatay mikrobyo and HOCl pero hindi nakakairita sa mata at balat.